NABULILYASO agad ang diskarte ni Alfer at hindi niya maintindihan kung bakit. Samantalang sa mga kasama ay mabilis naman niyang namamanipula. Mag-isa na lang siya sa loob ng chopper, kahit nilalamok ay wala ng pakialam. Wala rin kasing kumot, hindi na niya naisipan pang magdala. Pinilit ni Alfer makatulog pero panay lang ang biling sa kaliwa't kanan. Si Rissa pa rin ang laman ng kanyang isipan. Hanggang maramdamang may nagpatong ng tela sa katawan niya. Napamulat siya ng mata at nasalubong ang tingin ni Rissa. Agad niya itong pinigil sa braso at bumangon mula sa pagkakahiga sa magkadugtong na upuan ng chopper. "Sandali lang. Nagsasabi ako ng totoo, mahina talaga ang signal ko kaya ako bumaba. Baka iniisip mong modus ko lang iyon." Tinitigan naman siya ng Rissa sa mga mata na tila bina

