NAKAHINGA ng maluwang si Ofelia nang sabihin ng mag-asawang mag-uusap muna ang mga ito. Agad naman niyang hinila si Rence na nakatayo at halos kaladkarin na niya palabas sa bahay na iyon. "Don't worry. They like you." "Anong 'don't worry' ka 'dyan! Hindi mo nage-gets. Ayaw ko ngang magustuhan nila ako. Saka ano 'yong sinasabi mong date ng kasal kanina. Walang kasal. Gets mo? Hindi tayo puwedeng ikasal." "Bakit naman hindi? Lalaki ako, babae ka. Transgender ka ba?" Napatanga si Ofel sa tanong nito. Gusto na niyang sabunutan ang binata. "Rence, may nobyo ako. Kaya hindi ako pwedeng makasal sa 'yo." "Ano kung may nobyo ka? Hindi naman kayo kasal." "Tangna naman, Rence eh. Nakaka-engot ka kausap talaga oh. Ewan ko nga sa 'yo!" Nagdabog siya at tutungo na sana kung nasaan ang kotse nito.

