HINDI tinigilan ni Alfer ang babaeng dinala ni Rogin na maliit rin pala ang mukha kapag natitigan. "She has an average beauty, boto pa rin ako kay Marj," sabi niya na pinaparinggan ang mga kapwa frat members. "They still similar. Hindi naglalayo ang hitsura nila," sabi ni Terrence. "Mahilig talaga siya sa Barbie-like face." "Right. Maliit ang mukha niya," dagdag ni Jarvis. "But still her beauty is undefine." Hindi na rin masama para kay Rogin. Maganda rin naman ang babaeng pinapares niya kay Supremo. "Kanina ka pa parang nanlalait, Alfer. Baka naman kursunada mo?" nanunudyong tanong ni Aldrich. "Gusto mo bang bumangon akong walang ulo? Paniguradong gigilitan ako ng leeg n'on dahil sa pambibintang mo." Isa pa ay may babae ng naglalaro sa isip niya. Hindi na nakatiis pa ang bab

