INIIWASAN na ni Alfer ay lalo namang pinaglalapit pa ng tadhana. Hindi na sana ni Alfer mapapansin ang nurse na naglalakad palabas nang tawagin ito ng kanyang ina. Mukhang hindi natutuwa ang dalaga na makita siya. Ngunit mas mukhang pagod at puyat ang anyo nito ngayon. "Magkakilala na kayo?" Mukhang wala sa kanila ang nais sumagot nang mapatingin sa kanya ang ina na naghihintay ng kasagutan. Siya na ang nag-open. "Yes, Mommy. Remember 'yong kinuwento ko sa 'yo nang madayo ako sa Bohol." "Oh.. She's Riss-- Ah short for Arissa. Now, I get it." "Anyway, how's your feeling, Ma? Ba't hindi na lang tayo kumuha ng personal nurse?" "That's not a bad idea. Okay lang naman ako. Kaya ko naman. Huwag ka ng mag-alala." Saka ginagap ng ina ang kanyang braso. "Maiba ako. Mukhang naabala ko si Ar

