Chapter 57: The Celebration Hannah Point of view Umalis ako sa dorm ng mga officers at pansamantalang dito muna ako kina Jazlene at Eloisa. Ayokong makita si Neithan at lalong lalo na yung letche na Kassandra na yun. At para din naman makahinga ako ng malalim at makapagmove on. Napatitig ako sa malaking salamin dito sa banyo at nakabathrobe lang ako. Naalala ko lang ang mga nangyari kahapon about kay Neithan at Kassandra. Bakit ginawa nila yun sa akin?! Hindi ko napigilan ang pagpatak ng mga luha ko mula sa mga mata ko habang pinagmamasdan ang sarili ko sa isang salamin. Pilitin ko man na itago ang kalungkutan mula sa muka ko pero ang luha ko ay hindi ko kayang pigilan. Sa bawat patak ng luha ko ay naaala ko lahat ng aming pinagsamahan. Biglang na vibrate yung phone ko at agad na tini

