Chapter 62: Revenge Jazlene's POV "Hays! Nasaan na ba kase si Hannah?" Napabuntong hininga ako na tanong ko sa sarili ko habang kanina pa lakad ng lakad at naghahanap halos halughugin ko na ang buong campus. Sa laki naman ng paaralan na to, makakaya ko bang libutin para hanapan lang siya? Baka abutin pa ako ng umaga! Hayss, hayaan na nga. "Ouch!" Napahimas ako sa noo ko dahil sa pagkakabangga sa puno. Aiyst! Tanga naman. Pagkadating ko sa likod ng campus ay nahanap ko na siya, nakaupo sa isang bench dito at nakasandal ang ulo sa pader habang nakapikit ang mga mata. Lumapit ako at umupo sa tabi niya. Naramdaman niya ang paglapit ko kaya unti unti niyang iminulat ang kanyang mata. Simula nong wala na siyang maalala, palagi nalang siyang ganito, hindi umiimik, gustong m

