Chapter 2 - Missed

1909 Words
Chapter 2 - Missed Hannah's POV Isinuot ko na ang school uniform ko na binili ni Dad kahapon. It's a black mini skirt and a black coat, a thin white color at the edges including the its small pockets. A white long sleeve is inside. May color red strip siya sa necktie. I used a pair of my black shoes with my white long socks. Isinuot ko nadin ang eye glasses na pinabili ko kagahapon at nagpusod ng buhok bago humarap sa malaking salamin ng aking kwarto. "Not bad." Bulong ko sa sarili habang nakatingin sa salamin. Kinuha ko ang bag sa kama at lumabas na ng kuwarto.  Nakasalubong ko si Kuya Xavier sa hagdan, kunot ang kanyang noo at mga matang halatang nanunukso. Hayst! Umagang umaga ganyan ang mukha, magkakawrinkles ng maaga  ‘to.  Nandito na naman siya para mang-asar! Ano pa bang aasahan ko. It is his hobby! "Bakit nakasuot ka ng ganyan?"   Inirapan ko siya at nilagpasan. Naramdaman ko naman ang pagsunod nila sa likuran ko. Talagang si Kuya Xavier palaging good mood kaya lakas mang-aasar at mang bad trip.  "Hindi naman malabo 'yang mga mata mo diba? hmm...ahh alam kona. Sigur-" hindi natuloy ang sasabihin niya dahil bigla bigla nalang sumulpot si Kuya Jaylord ditto at binatukan. He groaned. “Ano ba?! Bakit ka nangbabatok ha!”  "Kuya, bakit mo kinain 'yong pinabili ko kay Dad?'' badtrip niyang tanong. Nagsusuklian sila ng masasamang titig. The war will begin!  Kailangan ko nang umalis baka kung mapano pa ako dito. Ngiting tinapik ko ang balikat ni Kuya Jay. He looked at me, pissed. Nag-iba ng tingin niya sa’kin ng makita ang hitsura ko: Nagtataka. I ignore it. “Kung ako, papatayin ko na ‘yan Kuya…” bulong ko at napatingin kay Kuya Xavier sa harap. Mas lalong nagkunot ang noo niya sa’kin. “Ano?” he asked, irritatingly. Nagkibit ako ng balikat at ngising umalis. “Anong ano?! Why did the f**k you eat it?” "Ahh… Sa'yo pala 'yon?'' kunwaring hindi niya alam.  I shook my head when once I glance at them. "By the way, ang sarap no'n bro! Pabili ka ulit ha."  Tuluyan na akong bumaba ng hagdan at hinayaan nalang silang mag-away doon. Rinig ko ang paghagikgik ng tawa ni Kuya Xavier sa taas. Kuya Jaylord is cussing. Umagang umaga ay nagsisimula na namang magsiraan ng araw ang dalawa. Mamaya mag rambulan na sila diyan. Pinilig ko ang aking ulo at nagdiretso na sa dining area para kumain. Paagpasok ko, napabaling leeg  na mga Kuya ko at si dad sa hapag. Naubo si Kuya Ridge nang Makita ako at si Kuya Clifford naman panay ang bulong kay Kuya Hans na nakangiti.  "Bakit ganyan kayo makatingin?" Umupo ako at kumuha ng bread.  "Huwag ka ngang magsuot ng salamin at huwag mong itali 'yang buhok mo, bunso. Mas maganda kung nakalugay ka." suway ni Kuya Ridge sa’kin.  Kagat ang bread at nagsisimula na silang magreklamo sa suot ko.  "Oo nga tama si kuya, mukha kang manang pag ganyan." dugtong ni Kuya Clifford. Umiling nalang ako at ipinagpatuloy ang pagnguya. Tsk! lahat nalang sila sumasang-ayon tungkol dito. Wala naman masama sa suot ko. I don’t look bad on it, I look a student who has a high IQ with this round glasses.  Mabuti pa si Kuya Hans sa akin, sinusuportahan ako sa kaartehan ko. "Anong mukhang manang na sinasabi niyo diyan! Inaasar niyo nanaman ang prinsesa ko."  Huwestro ni Dad.   "Ang ganda ganda ka niya oh.” Napailing si Kuya Ridge sakanya.   “Kamukha nga niya ang mama ninyo.”  mapait na sabi ni Dad nang maalala si Mom.  We both look at him. He smiled at us, faintly. Nginitihan ko si Dad. "Dad binibiro lang namin si Hannah. Sobrang ganda niya kahit ganyan.” Mapanuya na sabii ni Kuya Clifford. “Fraud.” I mouthed. Kuya Clifford choke and Kuya Hans chuckled. -*-*- Jessamyn POV Hindi ko alam na naka-uwi na pala sina mama dito sa bansa. After long run of hiding. Finally Tito George decided to fixed things up and face his rival. Wala akong natanggap na tawag o mensahe man lang mula kay mama par asana mabisita ko siya. Kung hindi lang sinabi ni Clifford sa’kin, hindi ko pa malalaman.  Matagal na noong huli ko siyang nakita. Ilang taon narin noong huli kong Makita ang mga alaga niya. Bata pa sila noon. Mukhang dalagita na at dalagito na sila. Ang pinakabata sakanila ang mas malapit sa’kin. Ako ang naging tutor niya noong maliit pa lamang siya. Medyo matagal tagal na rin 'yon. Naaalala pa ba kaya niya ako? Sana oo. Ilang taon narin kasi ang nakalipas kaya sabik na akong makita ulit sila. "Teacher Garcia." napalingon ako nang tawagin ako ni Principal at maagap na lumapit sa kinaroroonan niya. "Bakit po, Madam principal?" mabilis kong tanong habang magkasalikop ang aking dalawang palad. "Ikaw pala ang incharge sa new student ng GCA." sabi niya sabay abot sa'kin ng isang document na agad ko namang binuksan at binasa. "Hannah Lyn Riley Emmerson." aniya na walang emosyon. Pamilyar ang pangalan na binanggit niya.  “Ikaw na ang bahala sa kanya,” aniya at bumalik agad sa pag re-review ng bagong aplikante. Lumabas ako at napaisip. Hannah? That name sounds familiar. "Oh God! Si Hannah! nga! Tama ako!" -*-*- Hannah POV Hindi ko inakalang ang boring pala ng biyahe papunta dito sa Academy. Masyadong tahimik at hindi usual ang daan na tinahak namin upang marating ang paaralan. Madaming naglalakihang mga puno. It is weird. Pagkatigil ng sasakyan sa malaking building ay ang pagbukas ko ng sasakyan. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid at halos huni lang ng ibon at huni ng kalikasan na galing sa loob ng gubat ang naririnig. Bakit walang estudyante dito? Wala bang pasok? Mali ba kami ng lokasyon? Ma--- "Hannah?!" Sigaw ng isang babae ng di kalayuan.  Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses na iyon nang may palapit na babae na ilang hakbang lang mula sa itim na entrada. Pamilyar ang boses nito sa’kin kaya nang mas lumapit pa ito ay nakilala ko kung kanino galing ito. "Ate Jess!"  Niyakap siya ng mahigpit pagkalapit na pagkalapit niya sa akin. Miss na miss ko na siya. Siya ang anak ni Yaya Imelda na naging tutor ko noong bata pa lamang ako. Home school lang kasi talaga ako noon. Tinuturing ko siyang parang totoong ate kaya hindi na siya naiiba sa’min. "Buti naman hindi mo ako kinalimutan." Malilimutan ko ba ang taong 'to.  Marami na rin siyang naitulong sa'min matapos siyang tulungan ng magulang ko sa pag-aaral dahil sa magandang serbisyo at trato ng mag ina sa'min. At bukod do'n, sila ay napakabuti, maaasahan at mapagkakatiwalaang tao. "Jess, Princess. iwan ko na kayo mga hija. May aasikasuhin pa ako. Take care, my princess." paalam ni Dad at hinalikan ako sa pisngi. "Sige po, Tito. Ako nang bahala kay Hannah." Nakangiting wika ni Ate Jess. Ngumiti din ako tsaka kumaway para magpaalam kay Dad bago siya umalis. Pagkaalis ni Dad ay masaya ko naman na hinarap si Ate. "Kayo po ba ang naka-assign sa'kin, ate?"  "Oo, alam mo ba na sobra akong nasiyahan nang malaman kong nakauwi na kayo dito at dito kana mag-aaral!"  Nilakad name ang pasilyo ng paaralan. Maraming nagtataasahan mga building, may mukhang kagagawa lang at makalumo. Hindi ko alam kung sa gusaling ‘yon ay may nag-aaral padin ba doon o wala na kase mukhang nakakatakot. Tahimik ang bawat paligid.  Ang tangig pag-apak lang naman ang naririnig.  Hindi gaya sa inaasahan kong magiging maingay. Isang klasroom ang nadaanan naming, napatingin ang mga estudyanteng galling doon. Their stare was dreadful. Kumalabog ang dibdib ko at iniba ang tingin. "Good morning, Ma'am!" bungad agad ng mga estudyante pagkapasok niya sa classrom habang naiwan muna ako sa labas. "Good morning din students. You may now take your sit. Now I want you to meet your new classmate.”Humingan akong malalim bago tuluyang pumasok dahilan upang lumingon silang lahat sa'kin. "Sino naman kaya ‘to?" "Tsk! Nerd!" "Hindi siya nerd. Mga bez. Maganda siya actually. Tignan niyo. Ky=ay kinis kinis ang balat. Mukhang mayaman!" "Tsk! Hindi yan! Tignan mo kayang maigi.”  Na-interrupt ako mula sa pagka okupado sa mga komento nila nang biglang magsalita si Ate Jess. sa harapan. "Introduce yourself to them." tinanguhan ko siya.  I don’t usually get nervous. But some of them does actually look weird. Masama makatitig, animo’y may ginawa akong krimen. Iba din nakatitig lang sa bintana at tahimik.  "Hello... My name is Hannah, Hannah Lyn Riley Emmerson. I am 18 years ol—“ Nagpapakilala palang ako nang may tumayo na babae sa loob ng klase. Napakunot ang noo ko. ''Excuse me, Ma'am!" epal nito.  "May I ask something?" tumango si Ate Jess, ay hindi pala. Dahil guro ko na siya ay Ma'am Garcia na ang dapat kong itawag sa kaniya. Nginitian niya ako ng magtama ang titig namin. "Do you have any talent? Can you sing or dance? And could you give us some short sample of your talent.” ani ng babae, napatingin nalang ako kay Ma'am. "Ms Lopez, Ms Emmerson can but she can't give you a sample now. And besides, we do not have time for that Ms Lopez.” pagpapaalala nito at saka ako binalingan ng tingin.  "Ms. Emmerson, you may now take your sit here." saka itinuro ang isang vacant sit na nasa harapan lang kaya agad akong umupo doon. Nagpagtanto kong wala akong katabi. Kaliwa man at kanan. Mas ok na ito kesa meron naman akong katabi lalo na kung wala naman akong balak makipagkaibagan o makipagkasundo man lang. "Hi!" wika ng isang babae matapos itong kumalabit sa'kin mula sa likuran pero hindi ko siya pinansin. "Hannah, right?" Lumingon ako. "Hannah." Tawag ulit nito ng pangalan ko. Ang kulit. "What!" naiinis ngunit mahina na tugon ko. "Ay sungit mo naman." Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa harap. Wala akong time makipagusap!  "Gusto ko lang naman makipagkaibigan!" As If I'll let you. Palihim akong nag-ikot ng mata. "I'm not interested." naiinis na tugon ko. Ayokong makipagkaibigan. Mas mabuti nang mag isa ako, sanay naman ako na mag-isa. Matapos ang ilang minuto ay natapos na ang klase at pumunta na ako sa cafeteria without taking a look of any of my classmates. Agad akong pumila at kumuha ng makakain. Not the typical type of student, pumwesto ako sa dulo at doon na inilapag ang mga pagkain ko. Wala sana akong katabi nang biglang dumating ang babae na kumalabit sa akin kanina na may kasamang isa pang babae. "Can we sit beside you?" paalam nito. "No!" Mabilis kong tanggi ngunit umupo parin sila. Ang kulit din nila. Hindi na dapat sila nagtanong kung uupo din lang. Mukha silang mabait, at yeah, maganda rin sila pero ayoko parin. Sabihin na nilang chossy ako o whatever man. Ayaw ko parin at walang akong balak na kaibiganin ang kahit na sino sa kanila. Dahil gutom na gutom na'ko ay ipinagpatuloy ko na ang pagkain at hinayaan lang sila sa tabi. "Hi! I'm Eloisa Monteverde." pakilala ng kasama niya at iniabot nito ang kamay niya sa'kin upang makipag shakehand sana pero pinasadahan ko lang ng tingin at hinayaan sa ere. Pero imbes na mainis ay sumilay parin ang ngiti sa kanyang itsura.  "And I'm Jazlene Aubree Pangilinan, hope we can be friends." pakilala nung Jazlene daw sabay abot ng kamay niya. Siya 'yung kumalabit sa'kin kanina sa klase.  Hindi ko nalang sila pinansin at pinagpatuloy nalang ang pag-kain. They are just wasting their time on me.  "Ayaw mo ba kaming maging kaibigan?" mahinang tanong ng isa.  Napatigil ako sa pagsubo ng kanin. Bago pa man sumagot ay humugot muna ako ng hangin at tinignan sila ng walang halong pagka-interesado. "Sorry but I'm here to study and to not make friends. I don't need friends so please stop. Excuse me!" pag aamin ko at umalis na lang. Nakakawalang gana na kumain! Iniwan ko nalang sila sa cafeteria at bumalik na sa classroom na walang tao. Hangga't maaari ay iiwasan kong makipag kaibigan. Ayokong mangyari ang nangyari dati. If I need to be bad to all, I will do it inorder to avoid them.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD