Tulad ng gustong mangyari ng ama ni Christian na si sir Juanito Zuaraldez para pumayag itong di matuloy ang kasal nila ni Zahara ay dinala kami ni Christian sa mansyon nila dito sa Manila. Yes, sumama kami ni Jaia sa kanila ng mommy niya pabalik ng Manila. Matapos ang mahaba- habang argumento namin ni Christian noong dinala niya ako sa bahay na binili niya para kay Jaia ay napapayag niya akong sumama sa kanya. "No, di ako papayag na dalhin mo kami ni Jaia sa Manila. Kung gusto ng daddy mo na makita si Jaia, pwes siya pumunta dito. Nandito na rin lang ang mommy mo. Why not, pumunta rin siya dito." Giit ko kay Christian. "Jo-Ann, please. Kahit ito lang pagbigyan mo ako. I promise this would be the last na may hilingin ako sayo." Problemadong sabi ni Christian. "Ayaw ko parin. Anong mala

