Matuling lumipas ang mga araw. Nakabalik na kami Jaia dito sa Negros. Ngunit hindi para ipagpatuloy ang buhay na meron kami dito, kondi asikasuhing ang mga documento namin dito. Mula sa trabaho hanggang sa school ni Jaia. Nag file ako ng transfer of work mula sa branch na dito papuntang main office sa Manila. Kinuha ko na din ang mga files ni Jaia sa school upang sa Manila na namin siya i enroll. Nawili na kasi ang anak ko sa ama at sa mga magulang ni Christian. Halos ayaw nang mawalay sa mga ito. Sobrang spoiled sa kanila si Jaia kaya itong anak ko ay wiling-wili sa mga ito. Ang bahay na binili ni Christian sa Don Salvador Benedicto ay gagawin nalang daw bahay- bakasyonan. Ayaw ko sanang pumayag na sa Manila na manirahan ngunit nakikiusap si tita Vangie na wag nang ilayo sa kanila si

