Nasa airport kami ni Christian kasama si Jaia. Ngayon ang dating ng pamilya ko galing Negros para sa birthday ng anak ko na gaganapin sa makalawa. Buong pamilya ko ang nandito maliban kay ate Angie na di pweding iwan amg trabaho niya bilang teacher. Dedicated kasi ito sa trabaho, di rin kasi pwede na iwan niya basta- basta ang mga estudyante niya. Examination week kasi kaya bawal ang umabsent. Wala din si kuya Jem dahil wala daw maiwan sa mga hayop na alaga nila. Dahil malaki ang pamilya ko, minabuti namin na magdala pa ng isang sasakyan. Yong isa ay si Christian mismo ang mag drive at ang isa ay ang driver nina mommy Vangie na si kuya Nerto "Lola!" Sigaw ni Jaia nang makitang papalabas na sina mama sa departure area. "Jaia, apo. Na miss kita." Sabi ni mama sa kanya. "Na miss din po kit

