Pagbalik ni Allora sa table nila Kyla. Inaya na niya agad si Kyla na umuwi. Nawalan na kasi siya ng gana sa nangyari. “Kyla, pwede bang sa ibang araw na lang tayo ulit mag bonding?” tanong niya habang pinupunasan ang mga putik sa damit na kumapit. “Ano bang nangyari sayo? Naglaro ka ba ng putik?” nagtatakang tanong Kyla sa naging itsura ng kanyang kaibigan, parang kanina lang napaka puti ng suot nito ngayon hindi mo malaman kung ukay ba o hindi. “Hindi syempre, napag katuwaan ng mga batang kalye ang sasakyan ko at nang sitahin ko sila ako naman ang napag diskitahan nila.” sagot ni Allora na nakasimangot. “Ano? Aba lokong mga bata iyon. Halika puntahan natin.” yakag ni Kyla at kita sa mukha nito ang gigil. At akmang tatayo pero agad nahawakan ni Allora ang braso nito para pigilan. “Hw

