ALLORA Hating gabi ng makarinig ako ng ingay mula sa labas. Noong una ay hindi ko muma ito pinansin sa pag aakalang sa kapit bahay ko ito. Nakatira kasi ako sa isang village. Pero habang patagal ng patagal ang ingay hindi na ako mapakali kaya napadungaw ako sa bintana mula sa kwarto ko. Nanlaki ang aking mga mata ng makita kung sino ang maingay sa labas. Si Johnny pala ang kumakanta pero sintunado ang kanyang boses. Nilabas ko ito agad at sinaway. At baka maka abala pa siya sa lahat. “Hoy, gabing gabi na Johnny nang bubulahaw ka pa. Akala mo naman ang ganda ng boses mo. Itigil mo na yan.” saway ko rito sabay pamaywang. Sa totoo lang hindi naman ako kinilig sa ginawa nito. Sumakit lang ang tainga ko sa sintunadong boses nito. “Allora, hindi mo ba nagustuhan ang aking pag awit?” tano

