Nang matauhan siya agad niya itong tinulak. “Sorry.” hinging paumanhin niya. “Wala ka dapat ika sorry.” nakangiting sagot nito pero kita pa rin naman sa mukha ang labis na kalasingan. “Ano ba kasing problema mo bakit ka naglasing?” usisa niya rito. Kasi sa tagal tagal naman nilang magkakilala ni Johnny ngayon lang yata ito nalasing. “Wala lang masaya na kasi siya sa iba.” sagot nito. “Ano??” Pag kita niya rito tulog na tulog na talaga ito. “Hoy! Ano ba Johnny, gumising ka dyan.” sigaw niya rito. Pero wala talaga siyang magawa dahil hindi na ito nasagot sa mga sinasabi niya. Yamot na yamot pa rin si Allora hanggang ngayon. Hirap na hirap kasi siyang hubaran ito. Bukod sa naiilang siya dahil makikita na naman niya ang katawan nito. “Johnny, please naman. Makisama ka nga nakakainis

