At dahil sa nangyari hindi nagawang iwan ni Johnny si Allora at gusto niyang malaman kung may iba pang CCTV sa loob ng bahay ni Allora dahil kong oo mas delikado ito. Medyo bumuti naman na ang pakiramdam niya at gusto niya nang pauwiin ito. "O-Okay naman na ako Johnny, nakaka kilos na ako pwede ka ng umuwi. Salamat sa tulong mo." sagot nito. Ngunit hindi pumayag si Johnny dahil nga sa nangyari. "No! Allora, sa palagay mo ba mapapanatag ako na ganyan. Hindi ka muna pwedeng mag-isa rito. Hanggang di natin nalalaman kung sino ang sira ang ulo ang gumawa niyan sayo." mariing wika ni Johnny at bakas sa mukha nito ang kanyang galit. Miski naman ako ay nakakaramdam na ng galit. Samantalang badtrip na badtrip si Manuel sa nakita niyang videos. Hindi siya makapaniwala at mas lalong nainis s

