┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Matindi na ang sikat ng araw ng magising si Celestina. Wala na sa tabi niya si Josh, lumingon siya sa paligid ngunit hindi niya nakita ang kanyang kasintahan. Nagmamadaling bumangon si Celestina ngunit bumalik din siya sa kanyang pagkakahiga dahil nanakit ang buong katawan niya lalo na ang pagitan ng kanyang mga hita. "Hindi yata ako tinigilan ni Josh, kahit yata nakatulog na ako kumabayo pa yata sa akin. Bakit ganito kasakit ang katawan ko? Hindi ko inaasahan na sobrang hilig naman pala ng lalaking 'yon, dapat yata lagi akong iinom ng energy drink para may lakas ako kapag inaararo ako ng lalaking 'yon," ani niya sa kanyang sarili at natawa pa siya ng mahina. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at inalala ang mga nangyari sa kanila ng buong magdamag. Napapangiti siya dahil

