Hindi naman kumikibo si Josh dahil bawat hakbang na ginagawa niya ay may pag-iingat. Madulas na ang nilalakaran nila kaya kailangan niyang mag doble ingat upang hindi siya bumagsak dahil karga niya ang kanyang Celestina. "Si Raniel naman, gusto kong makita ang pagmumukha ni Raymond kapag isinambulat ko na sa kanya ang tunay na katauhan ni Raniel," nakangising ani muli ni Marcus. Sinalubong sila ng kanilang mga tauhan upang alalayan. Nagsimusimula na ring tumahimik ang paligid at panaka-nakang putukan na lamang ang maririnig sa isla. "Boss, wala dito ang pinuno," wika ng tauhan ni Trenz. "He left, ipinag-utos lang niya na dead or alive, ibibigay sa kanya ang ulo ni Celestina. Sana ako ang bigyan ninyo ng pagkakataon na pumatay sa kanya kapag nahuli na ninyo sila," seryosong wika ni Jos

