βββββ¦β’β©β’β¦ββββ Tahimik naman si Jun, nakatingin lamang siya sa nakatihayang si Sandy habang ang mga kaibigan ng amo niyang si Marcus ay malakas na nagsisigawan ng 'kadyot na.' Gusto niyang umalis at iwanan na lang si Sandy na nakahiga sa table para mapahiya ang dalaga at makaganti siya sa pamamahiyang ginagawa nito sa kanya. Isinuot niya ang lobo sa baywang niya at tumapat sa pagitan ng hita ng dalaga. Buti na lamang at naka jogging pants ang dalaga dahil malamig daw ang simoy ng hangin. "Hindi ka ba excited Jun? Si Sandy 'yang kakadyutin mo," wika ni Marcus sabay tawa pa nito ng malakas. "No. I don't care about her anymore," ani niya kaya nagulat ang dalaga at napatitig ito sa mukha ng binata. "Wow! English?" pang-aasar ni Josh kaya natawa ng pagak si Jun at muling napatingin sa muk

