ELIZABETH OPAS POV: MABILIS lang na lumipas ang isang araw na naman..kaya hindi na din ginusto na patagalin pa ang burol ni Ate, dahil na din sa tuwing nakikita ko ang kan'yang katawan na walang buhay ay lalo lang ako na nakakarami ng labis na lungkot. Nilisan ko na din ang buong bahay. Dahil sa aalis na ako mamaya lamang. Gus'to ko ng umpisahan ang binabasa ko sa Major G'wapz na iyon. Tunog pa lang ng palayaw n'ya. Halata talagang babaero ito. P'wes hindi s'ya uubra sa akin. Kung si Ate ay nagawa n'yang paibigin. P'wes ako ay hindi. Ako ang magiging nanginginig n'ya. Pero syemp're bago ako mag-umpisa ay kailangan ko muna na alamin kung paanong magkikita kami ng hindi sinasad'ya. Kailangan kong itago ang aking tunay na pagkatao sa kan'ya. Sana lang ay hindi n'ya inalam ang family ba

