CHAPTER:15

1024 Words

"Sigurado ka ba talaga dito sa plano mo Ely? Baka mamaya ay mabisto ka agad na kapatid ni Rachel?" Nag-aalalang tanong na naman ni Krizza sa akin. Ilang ulit n'ya na akong tinatanong sa plano ko. "Yes, sigurado na ako, at isa pa ay malalaman ko naman agad kung kilala n'ya ako sa unang pagkikita pa lamang namin." Sagot ko sa kan'ya. At napatitig naman ito sa akin. Napabuga pa ito ng hangin na parang nauubusan ng pasens'ya sa akin. Kinukulit n'ya din kasi akong h'wag ko na daw ituloy itong balak ko. Pero dahil mas masidhi ang aking nararamdaman na galit para sa lalaking dahilan ng pagpapakamatay ng Ate at ang pagkawala ng magiging pamangkin ko sana. Kung sana ay hindi n'ya pina-inom si Ate ng pampalaglag ay baka sakaling buhay pa ito ngayon. Kung sinabi lang din sa akin ni Ate ang lahat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD