KAIZER's POV: Nang makababa ako ng hagdan ay nandito pa din si Lola sa sala. "Kumusta ang asawa mo apo?" "Mamita, hindi ko nga po s'ya asawa pa. Nililigawan ko pa lang po." sabi ko sa kan'ya at bigla naman itong naupo sa couch. Lumapit ako dito at tumalikod lang ito sa akin. "Mamita,nagtatampo ka ba?" "Kung sabihin ko na oo, may magagawa ka ba para mawala ang tampo ko?" Sagot nito sa akin at parang tinatablan naman ako ng pangungunsensya nito. Ayaw ko naman sa ilang araw na pananatili namin dito sa rancho ni Ely ay ganito si Lola sa akin. "Ano po ba ang gus'to n'yo?" Humarap ito sa akin at bigla na naman na nagbago ang expression ng mukha nito. Real quick din ang Mamita ko. Sabi nga ni Lolo Gavin ay magaling daw umarte ang Mamita. Lalo na noong kabataan nito ay may mga panahon pa

