ELY'S POV: NAKARAMDAM ako ng lamig. Dahil nakabukas nga pala ang aircon dito sa loob ng kwarto. Hindi ko pa man din tiningnan kung ilan ang temperature nito kanina. Kinapa kapa ko ang kama. Dahil hinahanap ko ang kumot. Kaya lang ay parang kakaiba itong unan na nakakapa ko. Parang hindi s'ya pangkaraniwan na unan lang. Pinisil-pisil ko ito at nagtataka ako kung bakit s'ya matigas. Iminulat ko ang aking mga mata at dahil madilim ay hindi ko alam kung ano ba itong bagay na nasa tabi ko ngayon. Yakap-yakap ko pa naman ito. At ngayon ay parang naninindig ang aking balahibo. Ina-alala ko din kung naisara ko ba ang pinto kagabi pagkalabas ni Major. Binuksan ko ang ilaw na nasa gilid nitong kama.Naaninagan ko ang taong nasa tabi ko. "Aaahhhh!" sigaw ko sabay sipa dito. "Aray, ano ba Ely, ba

