Nang matapos akong magligpit ng mga gamit ko ay tumingin naman ako sa kan'ya. Nagulat ako dahil wala na ito sa kinatatayuan n'ya kanina. Kaya naman naglakad ako ng bahagya para tingnan s'ya sa labas. Kaya lang ay wala naman ito dito. "Tapos ka na ba?" tanong n'ya mula sa likod ko na muntik na tuloy akong mapatalon sa gulat. Dito pa lang sa apartment ay ganito na kami. Ano pa kaya sa condo n'ya. At ano naman kayang mga ipapagawa ng isang ito sa akin. "Saan ka ba nanggaling at bigla na lang sumulpot d'yan?" "Sa maliit mo na banyo na may nakababad pang panty mo sa maliit na plangganita na nakaibabaw sa drum." Sagot nito na parang bigla atang umakyat lahat sa ulo ko ang aking dugo. "Bakit ka pumasok sa ban'yo ko?" "Malamang naiihi Ako,alangan naman na d'yan ako sa labas umihi. Eh! Di pin

