Sinunod ko naman ang utos nito. Hinaplos-haplos ko nga ito at ang nakatutuwa lang ay ang bait nito. "Ilalabas po ba s'ya?" "Opo, gagamitin namin s'ya." sagot ni Major sa kan'ya. Nang mailabas ito ay lalo kong nakita kung gaano ito kalaking kabayo. Ang kan'yang balahibo ay sobrang ganda din. Halata mo na alagang-alaga talaga ito. Ang shiny kasi ng balahibo nito. Puting kabayo pa naman ito. Naglakad muna ito at sinenyasan naman ako ni Major na lumapit sa kan'ya. "Kaya mo bang sumakay?" "Oo naman,". sagot ko sa kan'ya. Inalalayan naman ako nito at nang makasakay ako kay Sergio ay ito naman ang sumakay sa likod ko. Ang akala ko pa naman ay kukuha s'ya ng ibang kabayo na sasakyan. Parang naiilang tuloy ako ngayon. Dahil nasa likod lang s'ya. Kailangan na maging maingat ako sa aking g

