Dahil nga sa hindi ko maaring isuong sa labas si babae ay kailangan ko muna na masiguro na ligtas s'ya. Kaya naman pinasakay ko ito sa motor, habang ang mga taong sumusunod sa amin kanina ay nagulat kami,dahil may mga motor na din silang dala. Kaya naman binilisan ko pa ang pagmamaneho. Kaya lang ay bago pa makalabas ng tuluyan ay may harang pa at ang nakakainis pa ay may mga nag-aabang din pala dito. Akala ata nila ay dito dadaan si Gov. Tanga lang sila. Dahil ang gus'to nilang patayin ay wala na dito at tuluyan ng nakaalis. Maganda na sana ang plano nila. Kaya lang ay hindi sila ganoon katalino. Pinakapit ko s'ya ng mahigpit sa akin at ito na naman s'ya sa kan'yang ginagawa kanina na nagtatawag ng mga santo. Alam ko naman na kaya kong lagpasan ang mga pasaway na ito. Tamang galawan

