Ely's POV: Hindi ko akalain na ang isang simpleng araw para sa akin kahapon ay magugulat ako sa proposal n'ya sa akin. Sino ba naman ang mag-aakala na mapapa-ibig ko agad si Major. Iba talaga ang galing ng isang Elizabeth Opas. Ang Bermudez kasi ay middle ng inay namin noong dalaga pa s'ya. Kaya para hindi naman ganoon kalayo ay ito na ang aking ginamit. At ngayon ay problema ko ang birth certificate. Ito ang aking kailangan para sa kasal. Dahil ang kasunod naman ng proposal ay kasalan na. Ang araw na pinakahinihintay ko. Kailangan ko ang tulong ni Krizza sa birth certificate ko. Kaya kailangan ko s'yang makausap. Nasa ibaba pa din si Major hanggang ngayon. Lumabas s'ya ng kwarto para maghanda ng pagkain namin. Sobrang sakit kasi talaga ng ulo ko. At parang hindi ko din kakayanin na magk

