Hanggang sa maubos n'yang mabaril lahat ang mga kalaban. "P'wede na bang huminto?" tanong ko sa kan'ya. "Ituloy mo lang." Napakunot na ang noo ko sa kan'yang sagot. Alam mo kasing wala ng sumusunod sa amin. Kaya naman alam kong p'wede ng huminto. "Bakit hindi p'wede?" "Nag-eenjoy pa ako." Bigla kong na-ipreno ang motor n'ya,dahil sa sagot nito. Pagpreno ko ay nasubsob pa ako sa kan'ya at s'ya naman ay sa dibdib ko. Pero agad naman akong nakahuma at lalayo na sana sa kan'ya. Kaya lang ay nakayakap ang loko sa akin. "Ano ba! Bumitaw ka nga! Bastos ka talaga!" singhal ko sa kan'ya. Bumitaw naman ito at palinga-linga pa. "Ang akala ko ay katapusan na natin,bakit naman kasi bigla lang nagpreno?" "Tinatanong mo pa talaga kung bakit ako nagpreno? Anong pinagsasabi mong nag-eenjoy

