"Motor? Motor lang si Liza?" "Oo, kaya nga ang sabi ko di ba! Palagi ko s'yang kasangga at kasama. Halos lahat na ata ng malalaking operation ay s'ya ang palago kong dala. At ngayon mas lalo kong mamahalin si Liza. Dahil sa kan'ya ay nalaman ko na nagseselos ka pala. Kaya lang ay hindi naman tao ang oinagseselosan mo. Ku'ndi isang motor." saad pa nito sabay tawa ng malakas. "Nakakainis ka talaga! B'wisit lang lalaki ka!" Sigaw ko sa kan'ya, habang hinahampas ko ito ng aking kamay. Sobrang naiinis talaga ako sa kan'ya. Napa-amin ako ng hindi ko sinasad'ya. Teka bakit nga ba naging ganito? Dapat ay wala akong nararamdaman na ganito. Dapat ay hindi ako nagseselos. Dapat ay galit at poot ang nararamdaman ko sa kan'ya. "Ely,tama na please." hinuli nito ang aking kamay at parang maiiyak na n

