Pagdating sa parking ng condo ay agad na akong bumaba. Nakakahiya naman kung si Mavy pa ang magbubukas para sa akin. Nanlibre na nga ito ng ice cream kanina. Hindi ko din matanggihan,dahil favorite ko iyon. Inalalayan pa ako nito na dalhin ang mga pinamili ko. Kaya ang ending ay ang dami n'yang bitbit na karton. Ako naman ay mga eco bags lang na kaya ko. Nang makapasok kami sa elevator ay sa gilid lang ako. Kahit paano ay nakokontrol ko naman ang phobia ko sa ganito. Pinikit ko ang aking mga mata at nagbibilang lang ako. Naramdaman ko na parang may nakahawak sa kamay ko. Kaya mas naging komportable ako. Hanggang sa marinig ko na tumunog na ang elevator. Tanda na nasa floor na kami kung nasaan ang unit nilang dalawa ni Major. Naglakad na kami palabas at nagsimula na naman kaming mag-kwent

