KAIZER/ MAJOR GWAPZ POV: "MAJOR ang lalim naman ata ng iniisip mo d'yan?" tanong sa akin ni Migz na kadarating lang. "May iniisip kasi ako." "Hulaan ko, si Miss Ely ba? Kumusta na nga pala s'ya? Baka naman p'wede ko s'yang mabisita man lang?" Sunod-sunod na tanong ni Migz sa akin. Tumingin naman ako sa kan'ya. "Oh! Easy lang. Bibisitahin ko lang naman s'ya para bisitahin. Grabe naman ang mga mata mo na 'yan, parang gus'to mo na akong bumulagta na lamang dito." Natatawang sabi nito na halata naman na nagbibiro lang s'ya. "Nahihirapan na nga akong mag-isip dito kung paano ko ba s'ya liligawan. Tapos kong makapagbiro ka d'yan." "So, ibig sabihin ba nito ay natatakot ka na ligawan ko s'ya?" "Hindi,mas natatakot akong maging isa s'ya sa mga koleksyon mo." "Paano kung sabihin ko sa'yo

