Flowers

1810 Words
~❦~ Ciany's Point of View Kakababa ko lamang sa sasakyan subalit sumalubong na sa akin ang isang matangkad na lalaki sa 'di kalayuan. Balot na balot ang kanyang mukha at nakasuot ng itim na jacket at pants. Nakatuon lamang ang atensyon niya sa akin at alam ko ring siya 'yong umaaligid sa akin dati pa. Nagsimulang manginig ang aking buong katawan. Napakagat ako sa aking kuko at hindi na mapirmi sa kinatatayuan. Hindi niya talaga ako nilulubayan at wala siyang balak na iparanas sa akin ang kalayaan. I saw Kryo from afar kaya dali-dali akong tumakbo sa kanya upang humingi ng tulong. Niyakap ko siya ng mahigpit sa baywang, sa sobrang takot. Pati pawis ko'y nanlalamig at hindi na talaga mapakali ang aking isipan. How can I get rid of my stalker? “Ciany? What happened? Bakit ang putla mo?” he queried. Hindi ako kaagad nakasagot dahil kahit boses ko ayaw lumabas. Mabuti na lang at kumakalma ako kapag kasama ko si Kryo. Kahit papaano, ramdam kong may kakampi ako mula sa misteryosong lalaking iyon. Kahit hindi ako sumagot, alam na ni Kryo ang dahilan ng pananahimik at pag-asta ko ng ganito. Hinayaan niya akong humawak sa kanyang braso at nakuha pa akong ihatid sa classroom. He knows that I’m too fragile right now. That's why he did his part again, giving me assurance and comfort that I needed. “Call me,” he said and went to his class. Nawala rin naman ang takot ko kalaunan nang magsimula ang event sa school. Colorful flowers everywhere lighten up my mood. Lalo na't binaha ako ng mga bulaklak na natatanggap. Birthday ngayon ng anak ng school's director kaya bigayan ng bulaklak ang mangyayari buong araw. It's also our second challenge. Kryo saw me wasted so he'll thought flowers would console and make me feel better. I know I’ll win again this time. Bakit naman bibigyan ni Kryo ng bulaklak ang tibong iyon? Flowers won't suit her. Asa siya. Aili’s Point of View Nakasimangot ako buong umaga. Nakita ko kasi si kuya Keir na binibigyan ng bulaklak si Xylia at mukhang nagkakamabutihan na ang dalawa. Ibig sabihin ay tapos na nga ang favor niya sa akin. Bukod sa wala pa akong natatanggap na bulaklak kahit 'yong succulent man lang, narinig ko pa ang usap-usapan ng mga kaklase ko. “Wala ka ng pag-asa kay Ciany, pre. Mukhang sila na n'ong masungit na Arzaga. Nakita ko kanina, nagyayakapan pa sa labas,” salaysay ng isa na sinabayan ng pagtapik sa balikat ng kaibigan. Kahit hindi ko nakita ang sinasabi niya, na-pi-picture out ko na ang scenario sa utak ko. Dahilan kung bakit kumulo ang aking dugo. Bakit ba ang gulo ng Kryo na iyon? Is he that good in flirting na pati ako nadali niya? Kakatapos ko lamang mag-lunch at alas dos pa ng hapon ang susunod kong klase. Nanatili ako sa hagdanan malapit sa storage room. Wala kasing nadadako ngayon dahil sa event. Isa pa, nakakaasar tignan ang mga disenyong bulaklak kahit saan. Iniiwasan ko ring mapalapit sa mga ito dahil allergic ako sa pollens. Masyadong makulay at ang sakit din sa mata ng mga nagbibigayan ng bulaklak. Sumandal ako sa balusters at nagsuot ng earphones upang makinig ng musika. Saktong paglingon ko sa baba, nasalubong ko ang nakakainis na ngisi ni Ciany. May bitbit siyang maraming bulaklak na nagpasabog ng pait sa kaloob-looban ko. Well, I’m not surprised with all those flowers. She's two-faced after all. Tumayo ako upang iwasan siya. Nagsisimula na kasing mairita ang ilong ko sa mga bulaklak na bitbit niya. Binilisan ko ang aking paglalakad at sunod-sunod na bahing ang aking pinakawalan. “Are you running away, Aili? Are you afraid?” she said with mockery. “Why would I?” I face her as my mouth froze into a sarcastic smile. “You know I hate both you and those flowers,” dagdag ko pa. Kita ko ang pagkawala ng mga ngisi niya. Tinignan niya ako ng masama kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon na tinalikuran siya. Wala ako sa mood na makipagsagutan dahil nangangati na ang ilong ko. “Kryo gave me a bouquet of flowers. How about you?” she asked proudly as if I'll believe her. Akala niya siguro mahuhulog ako sa patibong niya. “Oh come on, Ciany. Hindi ka lang pala two-faced, sinungaling ka rin,” I laughed without any hint of humor as I turned around to see her reaction. In return, she gave me a stern look. “How dare you call me a liar? Inggit ka lang dahil nasa akin na ngayon ang atensyon ni Kryo. Sumuko ka na lang dahil wala ka ring pag-asa sa kanya. Kahit ako nahihiya sa mga pinaggagagawa mo!” She lose it. Kulang na lamang ay atakehin niya ako kung wala lang siyang bitbit na mga bulaklak. Nanlilisik ang mga mata niya sa iritasyon. “Inggit? Bakit naman ako maiinggit sa two-faced na katulad mo?” pang-iinis ko pa sa kanya. Nakakatuwa kasi siyang inisin dahil kita kong naaapektuhan talaga siya. Which means, totoo ang mga sinasabi ko. Binara niya ako subalit nag-vibrate bigla ang aking cellphone, kaya naman hindi ko siya pinagtuonan ng pansin. I saw Kryo's message on it, that made me bit my lower lip in excitement. Pinanlakihan ako ng mata at kulang na lamang ay magtatatalon ako sa tuwa. Napawi nito ang inis at disappointment na nararamdaman ko kanina. Ano kayang magiging reaksyon ni Ciany dito? From: Domineering Kryo I got you flowers in your locker *picture of the bouquet* Kahit na fake na bulaklak lang ang natanggap ko, considering my allergy is the best gesture Kryo had shown to me. May pa 'masungit effect' pa siya kahapon. Kunwari pa siyang ayaw niya, 'yon pala magbibigay din. “Hey! Bakit ba hindi ka nakikinig? Are you insulting me?” Ciany caught my attention once more. Nakalimutan kong nasa harapan ko pa rin siya. “I won, Ciany,” I declared. Ni hindi na nabura sa labi ko ang mga ngiting kusa na lamang na kumakawala. Ipinakita ko sa kanya ang message ni Kryo sa akin. N'ong una kakikitaan mo siya ng pagkabigla subalit kalaunan ay bakas na sa mga nanlilisik niyang mata ang galit. She can't suppress her anger anymore. Tanging selos ang pumutol ng kanyang lubid. Masyado akong kampante na hanggang salita niya lamang ako sasaktan ngunit mali ako. Sa aking pagtalikod ay hinila niya ang buhok ko. I shouted in excruciating pain. Parang pinapaso ang anit ko sa lakas ng pagkakahila ni Ciany sa aking buhok. Hindi ko na kinaya kaya hinila ko rin ang buhok niya. Nakalmot ko pa siya sa braso dahil hindi talaga bumibitaw ang kanyang kamay. Ibinuhos ko lahat ng lakas na meron ako, mailayo lamang siya sa akin. Nagtagumpay naman ako at kapwa humahangos naming hinarap ang isa't isa. “Do you like Kryo, Aili?” tanong niya na walang alinlangan kong sinagot nang ‘di nag-iisip. “Ano ngayon kung gusto ko nga siya? Selos ka?” sambit ko na hindi na naalis ang titig kay Ciany. “Nagpapatawa ka ba? Ang mga katulad mo pa talaga ang pagseselosan ko?” She run her fingers through her hair. Kahit na magulo ang kanyang buhok at gusot ang suot na uniporme, hindi siya nagmukhang dugyot. She's too gorgeous that even looking miserable fits her well. “Kaya lang naman nakikisama si Kryo sa'yo dahil nakakaawa ka. Aili, guys like Kryo deserves more. Masyado kang mababa at mahina para magustuhan niya,” pangmamaliit niya dahilan para muli akong tumawa. Yes, it hurts hearing her criticism but her words aren't strong enough to crush me. “Ah, kaya pala ako ang binigyan ng bulaklak ni Kryo, ‘no? Partida, hindi pa nga ako nag-aayos sa lagay na ito,” I fired back. “No offense pero ganda lang din naman ang meron ka,” I stated and turned around to leave. Napapangisi pa ako n’ong una subalit muli akong pinigilan ni Ciany. Pinaghahampas niya ako ng bulaklak na bitbit niya kanina. Nanlamig ang buo kong katawan at tila puputok na ang aking puso. My breathing is not normal anymore. Hinahabol ko na ito at tila naninikip pa sa loob. Itch and pain started to embrace my whole system. Sa huling pagkakataon, nagawa kong maitulak ng malakas si Ciany. Napaupo siya sa hagdanan at ininda ang masakit na paa. She started crying and acted pitiful like a fragile child. Natanto ko kung bakit siya nagkakaganoon. Kryo is running towards our direction. I wasn't paying attention to them as I’m struggling to control my breathing. Kryo carried Ciany and blamed me for her injuries. Without knowing na hindi na rin ako makapag-react dahil pakiramdam ko'y umiikot na ang paligid. Tumalikod ako sa kanila upang hindi makita ni Kryo ang paghihirap ko. “Kahit kailan, nakaka-disappoint ka,” sambit ni Kryo nang lagpasan ako. Karga-karga niya si Ciany paalis na umiiyak pa rin. Tuluyan na nga akong nawalan ng balanse dahil sa mga bulaklak na nagkalat sa ulo at katawan ko. Para akong sinasakal at ang init ng pakiramdam ko ngayon. Kahit na para namang may yelo ang aking pawis. I ended up hospitalized but Kryo didn't even show up. Tatlong araw akong nanatili sa hospital at isang linggo naman akong lumiban sa paaralan. I hate going to school, lalo na kung galit lamang ni Kryo ang sasalubong sa akin. S'yempre, I’ll be the bad one in Ciany’s story. Everyone will probably gossip and hate me by now. “Maybe it's time to end our deal. Kryo will be happy for sure,” I said bitterly while a tear fell from my eye. I heard consecutive knocks on my door. Noong una, ayaw ko pa na buksan ang pintuan. Masyadong mapilit ito kaya tamad akong tumayo at pinagbuksan ang kung sino mang kumakatok. Laking gulat ko sa tumambad sa akin. “Ano ba'ng ginagawa mo, mommy? Next week na nga ako papasok 'di ba?” “Yes, alam ko. Pero, I have something for you. Matutuwa ka rito,” excited niyang sabi na parang teenager kung umasta. Nakakagulat pa ang suot-suot niyang beauty mask ngayon. Para siyang multo sa sobrang puti ng mukha. Inilahad niya sa akin ang isang bouquet ng DIY flowers at nakangiti akong iniwan na nagtataka. Umupo ako sa aking kama at sinuri ang napakagandang mga bulaklak. Masyadong detalyado ang bawat bulaklak. It's tulips with red and pink colors. Umiilaw pa ito at halatang mamahalin. “Ang sweet talaga ni mommy kahit kailan,” salaysay ko na inamoy pa talaga ang bulaklak. Ang pabango na ginamit sa bulaklak ay hindi masakit sa ilong. May maliit na envelope sa ibabaw nito na kaagad kong binuksan at binasa. Laglag ang aking panga sa gulat na sumalubong sa akin. So, hindi 'to galing kay mommy? Let's talk once you feel better. — Kryo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD