Aili's Point of View
Nakaalis kami sa bahay sa tulong na rin ni kuya Keir. Nag-taxi kami at kakababa lang namin malapit sa Auborne High. Hanggang ngayon ay nakabusangot pa rin ako samantalang tahimik naman na nauunang maglakad si Kryo. Diretso lamang ang tingin niya sa daanan at binabalewala ang iilang babaeng napapalingon sa kanya.
"Ang sungit," ngiwi ko.
Nagtaka ako sapagkat pumasok ba naman si Kryo sa isang bookstore. Patakbo akong sumunod na hindi man lang napansin ang pagsarado ng glass door. Sapol na sapol ang noo ko dahilan upang mapahawak ako rito.
Langyang Kryo! Ni hindi man lang ako pinagbuksan!
Mabilis kong itinulak ang pinto ngunit hindi ito bumukas. Napansin ko ang kantyaw ng apat na babaeng nasa aking gilid. Pinag-usapan nila ako na ikinakulo ng aking dugo.
"Hoy, bakit niyo ako pinagtatawanan?" Dinuro ko sila at inihanda na ang sariling makipag-away.
"Bobo ka kasi. Sabing pull," sagot ng isa sa kanila na kaedad ko lang ata.
"Sana sinabi niyo hindi 'yong pinagtatawanan niyo ako!" naiirita kong puna sa kanila.
"Hindi ka naman siguro grade one 'no? Basa-basa rin ate," singit pa ng pinakabata sa kanila.
Aktong susugurin ko na sila ngunit may biglang humila ng aking damit papasok sa loob ng bookstore. Namataan kong natahimik ang mga babae at nakapirmi lang ang tingin sa kung sinong humila sa akin. Inilabas ko ang aking dila na animo'y batang nakikipag-away sa kalaro.
"Stop it. Pinapahiya mo lang ang sarili mo," sermon ni Kryo na siya palang humila sa akin. "You stay there," masungit niyang utos.
Itinulak niya ako at naiiritang bumalik sa paghahanap ng aklat. Umirap ako at napabuntong hininga sa nakakalulang mga libro sa paligid ko.
Ayoko talagang magbasa!
"Akala ko ba magde-date tayo?" asar kong tanong.
"This is a date. Now, find a book and read it silently," aniya na hindi ko nagustuhan.
Akala ko ay pupunta kami ng restaurant, sa park o kahit saan maliban sa bookstore.
"What? Lumayo ka na sa'kin," pantataboy niya na ikinairap ko.
"Whatever, kuya Kryo," I said sarcastically.
Naglibot ako sa bookstore at ni isang aklat ay wala akong nagustuhan. Nagtungo ako sa children's book at pilit na inaliw ang sarili.
Mas mabuti na 'to kaysa sa magsama sila ni Xylia. Kahit papaano, ginagawa ko rin naman ang pabor ni kuya Keir sa ganitong paraan.
Kryo's Point of View
Napatingin ako sa aking wristwatch at thirty minutes na pala akong nagbabasa. Binitbit ko ang iilang aklat na napili kong bilhin at hinanap ang tibo kong kasama. Luminga-linga ako subalit hindi ko siya mahagilap.
"Where did she go?" I asked out of nowhere.
Naabutan ko siya sa may children's books. Tuwang-tuwa siya sa pambatang aklat na nakuha niya pang humagikhik. Napailing ako sa pagiging childish ng tibong ito. She's nineteen yet she don't act like her age. I need to bear with it for two weeks.
"Let's go," pag-agaw ko ng atensyon niya.
Sinulyapan niya lang ako at nagbalik sa pagbabasa. Huminga ako ng malalim at inagaw mula sa kanya ang aklat. "I said, let's go," I frowned.
"Tatapusin ko muna 'yan. Akin na," pagmamatigas niya na pilit inagaw mula sa akin ang aklat.
Mahina ko siyang pinalo ng aklat sa kanyang ulo. "Do you plan on staying here the whole day? Let's buy it, idiot," I said.
"Sige!" masigla niyang sagot na kumuha pa ng maraming aklat. "Libre mo naman," dugtong niya na siyang dumagdag sa nararamdaman kong inis.
Kanina pa ako nagtitimpi sa babaeng ito. Para akong nagbabantay ng bata dahil sa kanya. I hate it.
Aili's Point of View
Malawak ang ngiti ko sapagkat sabi ni Kryo na kakain daw kami. Inagaw ko mula sa kanya ang isang supot na may lamang libro ko. Hindi niya ito ibinigay sa akin at sinungitan lang ako.
"Where do you want to eat?" tanong niya na sinagot ko ng panghihila sa kanyang braso.
Napangiti ako at hindi siya pinansin. Nagtuloy-tuloy ako sa paghila sa kanya at tumigil sa may nagbebenta ng siomai at kwek-kwek.
"Let's just eat somewhere," pag-aalinlangan niya.
"Arte mo, kuya Kryo," I said full of sarcasm.
"It's too crowded here," paliwanag niya na napapairap na naman.
"Ede ipabalot natin!" suhest'yon ko na hindi na siya nakapalag pa.
Nagtungo kami sa park para doon na kumain ngunit umayaw si Kryo dahil maraming tao. Ayaw niya sa atensyon kaya napagdesisyunan kong dalhin siya malapit sa lawa. Dinala ko siya sa tambayan namin nila Landon.
"Ang ganda 'no?" tanong ko sabay taas-baba ng aking kilay kay Kryo. Inirapan niya lang ako at umupo sa damuhan.
Mabuti na lamang at napapalibutan ito ng maraming puno kaya hindi ganoon ka init. Umupo ako sa tabi niya at binuksan ang supot na may lamang pagkain.
Tahimik lamang si Kryo na pinagmamasdan ang paligid habang nililipad ng hangin ang kanyang buhok. Natabunan ng iilang hibla ang kanyang mata kaya unconsciously, inayos ko ito. Pinanlakihan ako ng mata sapagkat masama niya akong tinitigan.
"What are you doing?" usisa niya na tinaasan pa ako ng kilay.
Mabilis kong inalis ang aking kamay at awkward na ngumiti. Inilihis ko ang aking atensyon sa kanya at natatarantang humanap ng palusot.
"M-May bulaklak kasi. Allergic kasi ako kaya inalis ko!" mabilis kong salaysay sabay pekeng ngumiti sa misteryosong nakatingin pa rin sa aking si Kryo.
Nakahinga ako nang kumuha lamang siya ng aklat at nagsimulang magbasa. Nilantakan ko naman ang binili naming pagkain. Binigyan ko siya ng kwek-kwek pero inayawan niya ito. Hindi ko na lang siya pinakialaman at lumantak nang lumantak.
Kinuha ko na lamang ang pambatang aklat at nagbasa na rin. Natahimik ang paligid at tanging tunog ng ibon na lang ang maririnig.
Nakatuon lang ako sa binabasa habang kumukuha ng fries pero napalingon ako ng wala sa oras kay Kryo. Nakatingin na rin siya sa akin at kaagad na binitawan ang aking daliri na nahawakan niya.
"Sa'yo na lang 'yong fries. Siomai na lang 'yong kakainin ko," sabi ko.
"Para sa akin naman talaga 'yan. Bakit ka kasi kumuha?" pagsusungit niya.
Umirap ako sa kanya at bumalik na sa pagbabasa. Papatapos na ang binabasa kong aklat kaya gusto ko na namang manggulo kay Kryo.
"Pagkatapos nito, saan tayo pupunta?" I asked out of nowhere habang abala sa pagnguya ng siomai.
"Uuwi," tipid niyang sagot.
"Ang bilis naman. Laro muna tayo ng basketball," pag-aaya ko.
Napahiya ako dahil parang sarili ko lang ang kinakausap ko ngayon. Napaka boring naman nitong si Kryo. Ano bang nagustuhan niya sa pagbabasa ng mga aklat na tungkol sa business at math? Nakakasakit kaya 'yon ng ulo.
"Talking to my hand mga kaibigan. Tss, nakakagutom pa lang walang ginagawa," bulong ko na pinagkaabalahan na lang na ayusin ang red and white stripes kong medyas.
Itinagilid ko ang aking ulo upang makita ng maayos ang mukha ni Kryo. Inaanalisa ko kung bakit siya nagugustuhan ng maraming babae.
Bukod sa gwapo at matalino siya, eh wala na akong makita pa na ibang dahilan. Unattractive siya para sa akin kasi hindi siya marunong mag-basketball.
Pinanlakihan ako ng mata dahil lumingon siya sa direksyon ko. Ngumiti na lamang ako ng peke. "Tapos ka na, mahal?" panunuya ko na humagikhik bigla sa naisip na biro.
Kumunot ang kanyang noo at hindi ko mabasa kung anong iniisip niya dahil napakablangko ng kanyang mga mata. Tinititigan niya lang ako pabalik kaya naglaho bigla ang ngisi sa aking labi.
Ang hirap naman pasayahin ng lalaking 'to.
"Few pages to go, mahal," seryoso siyang lumingon na ikinalunok ko. He then smirked and diverted his attention on the book he's reading.
Tangineng, nakakagulat naman!