Chapter 8

1411 Words
Elara Pov Napalunok ako ng laway ko nang pumasok si Alexander sa loob ng silid na madilim ang mukha. Hindi ko inakala na babalik pa siya pagkatapos ng pag-uusap namin kanina. "Mabuti naman at nandito ka na, Alex. Alagaan mo itong asawa mo dahil masyadong mahiyain," nakangiting kausap ng mother-in-law ko sa kanyang anak. Pasalamat ako na biglang nagbago ang madilim na expression ni Alexander nang humarap sa kanya ang kanyang ina. Siguro ayaw nitong makita na madi-disappoint ang ina nito kaya pinipilit na lamang nito ang sarili na magpakahinahon sa harapan ng kanyang ina. "Are you sure na mahiyain ang manugang mo, Mom?" nakangiting sagot ni Alexander sa kanyang ina. Iyong klase ng ngiti na para bang nagsasabi na nagkakamali ng iniisip ang kanyang ina dahil hindi ako mahiyain sa halip ay wala akong hiya. Ngunit mukhang hindi nahalata ng ina nito ang nais iparating ni Alexander o baka naman talagang hindi lamang ito pinansin ng mother-in-law ko. "Yes, of course!" mabilis na sagot ng aking mother-in-law nang nakangiti. "Ang totoo nga niyan ay gusto niyang ang ninong at ninang, ikaw at ako lamang ang mag-celebrate sa kasal ninyong ito. Ngunit hindi ko mahindian ang mga kamag-anak natin at iba kong kaibigan na um-attend dahil gusto nilang makita ang kung gaano kaganda ang asawa mo. At alam mo ba na gandang-ganda sila kay Elara. Siyempre, pipili ba naman ako ng magiging manugang na hindi maganda?" Tinapunan ako ng tingin ni Alexander ngunit mabilis akong nag-iwas ng mga mata. Hindi ko alam kung bakit ngunit parang nakaramdam ako ng hiya dahil sa papuri ng ina nito. "Kinausap ko ang doktor na tumingin kay Elara at sinabi niyang puwede na siyang umuwi. Binayaran ko na rin ang kanyang hospital bills," pag-iiba ng usapan ni Alexander. Pagkatapos ay kinuha nito ang bulaklak na hawak ko at ang wedding dress ko na nakapatong sa upuan. Binihisan kasi ako ng nurse kanina para makahinga ako ng maayos. "Mabuti naman para makauwi na kayo at nang maumpisahan na ang honeymoon niyo." Mukhang mas excited pa ang mother-in-law ko sa honeymoon namin ni Alexander kaysa sa aming dalawa. "S-Sa bahay ni A-Alexander ba ako uuwi?" Alam ko na titira kami sa iisang bubong kaya inihanda ko na ang aking sarili. Ngunit ngayong sasama na ako sa bahay niya ay parang biglang umurong ang tapang ko. Ayokong tumira sa bahay niya. Tinapunan ng nagpapasaklolong tingin ang kaibigan ko para kumontra at sabihin na bukas na lang ako pupunta sa bahay ni Alexander. Ngunit sa halip na tulungan ako ay sinang-ayunan pa niya ang sinabi ng mother-in-law ko matapos akong kindatan. "You're right, mother. Dapat umuwi na sila sa bahay nila para makapag-honeymoon na sila at magkaroon ka agad ng apo," malawak ang ngiti na saad ni Liam. Tinapunan ko siya ng masamang tingin habang hindi nakatingin sa akin ang mother-in-law ko ngunit nahuli naman ni Alexander ang ginawa kong iyon. Kumunot lamang ang noo nito at hindi nagsalita. Nagpasya ang ina ni Alexander na huwag nang sumama sa bahay ng kanyang anak at si Liam naman ay nag-excuse na may ka-meeting pa raw na client kahit wala naman. Naiwan tuloy kaming dalawa ni Alexander sa loob ng kotse. Wala kaming imikan sa loob ng kotse kaya namayani ang nakakabinging katahimikan at awkward na pakiramdam. Ngunit wala akong balak na maunang kausapin siya kaya bahala nang mapanisan kami ng laway. Mukhang hindi ito nakatiis na huwag akong kausapin kaya after fifteen minutes ay nagsalita na rin siya. "What's your reason for marrying me, Elara? I don't think na hanggang ngayon ay may gusto ka pa rin sa akin dahil hindi ko iyon nararamdaman." Lihim akong napaismid. Mabuti naman at na-realized niya ang bagay na iyon. "Kung ano ang reason mo kung bakit ka pumayag na magpakasal sa akin ay ganoon din ang reason ko," safe na sagot ko. Ang sabi ng mother-in-law ko ay huwag na huwag kong ipaalam sa anak niya ang tungkol sa pagpapakasal ko sa kanya kapalit ng malaking halaga para maipagamot ang Papa ko. Saglit akong nilingon ni Alexander ngunit hindi naman siya nagsalita. Muli siyang tumahimik kaya namayani ulit ang katahimikan sa loob ng kotse hanggang sa nakarating kami sa tapat ng bahay niya na nasa loob ng isnag exclusive subdivision. Hindi na ako nagtaka na sa isang exclusive subdivision siya nakatira dahil noon pa man ay alam ko nang mayaman ang pamilya niya. How much more ngayon na siya na ang humahawak sa lahat ng family business nila matapos maka-graduate? Paghinto ng kotse ni Alexander sa tapat ng gate ay agad itong lumabas ng kotse na para bang wala siyang kasama sa kotse. Walang imik na sumunod na lamang ako sa kanya. Dalawang maid at isang lalaki ang sumalubong sa amin. Agad na kinuha ng lalaki ang susi ng kotse ni Alexander para ilagay sa sabitan na nasa likuran ng hagdan. "Mercy, dalhin mo siya sa magiging silid niya," utos nito sa maid bago walang paalam na umakyat sa hagdan para magtungo siguro sa kanyang silid. Bahagya akong napahiya sa harapan ng dalawang maid dahil hindi man lang ako ipinakilala ni Alexander sa kanyang mga kasambahay bilang asawa niya. Hindi ko tuloy alam kung ano ang ikikilos ko sa harapan ng tatlo. "Ikaw pala si Ma'am Elara. Ang asawa ni Sir Alexander," nakangiting kausap sa akin ng maid na Mercy ang pangalan. "Ako nga pala si Mercy at siya naman si Belen. Kaming dalawa ang naglilinis sa buong bahay. At itong si Dindo naman ang hardinero at naglilinis sa labas ng bahay." "Kilala niyo ako?" Nagtaka ako kung bakit nila ako kilala gayong hindi naman binanggit ni Alexander ang pangalan ko. Hindi rin nito alam na ako ang babaeng pakakasalan niya dahil sa kaninang umaga lamang niya nalaman na ako pala ang pakakasalan niya. "Huwag ka nang magtaka kung bakit kilala ka namin, Ma'am Elara. Si Ma'am Faustina ang nagsabi sa amin ng pangalan mo," sagot naman ni Belen na katulad ni Mercy ay nakangiti rin. Mukhang mababait naman ang mga katulong ni Alexander. Hindi ako mahihirapang pakisamahan sila. "Halika ka na, Ma'am Elara. Sasamahan kita sa magiging silid mo," yaya sa akin ni Mercy. Hindi ko alam kung bakit mukhang hindi sila nagtataka na sa ibang silid ako matutulog gayong mag-asawa na kami ni Alexander. "Elara. Just call me Elara. Huwag niyo na akong tawagin na ma'am. Naiilang ako." Binigyan ko sila ng ngiti para hindi sila mailang sa akin sa pagtawag sa pangalan ko. "Baka pagalitan kami ni Sir Alexander," nag-aalinlangan na sagot ni Dindo. "Ganito na lang. Kapag wala sa paligid si Sir Alexander ay saka ka lamang namin tatawagin sa pangalan mo." Nakangiting tumango lamang ako sa kanila bago ako sumama kay Mercy papunta sa aking magiging silid. Malaki at maganda ang silid na ibinigay sa akin ni Alexander. Ini-expect ko na sa maid's quarter niya ako patutulugin para mahirapan ako at kusang makipaghiwalay sa kanya. "Huwag kang mailang na mag-utos sa amin, Elara. Asawa ka ni Sir kaya amo ka na rin namin ngayon," nakangiting wika ni Mercy nang makapasok kami sa loob ng silid. "Siyanga pala, may tagaluto sa bahay si Sir Alexander. Si Miguelino. Masungit siya lalo na kapag nagluluto siya at ginalaw mo ang gamit niya. Kahit si Ma'am Faustina ay hindi gumagalaw ng gamit sa kusina dahil kay Miguelino. Tanging si Sir Alexander lamang ang hindi kayang sungitan ng kalaking iyon." Bahagya akong ngumiti sa kanya at tumango. "Thank you for the information." "Iiwan na kita dahil may gagawin pa ako. Kapag may kailangan ka ay hanapin mo lang kami sa ibaba." Pagkaalis ni Mercy ay hinanap ko ang closet. Isa pala itong walk-in closet. Hindi na ako nagtaka nang makita ko ang mga gamit ko sa loob ng closet. Natitiyak kong ang aking ina at ina ni Alexander ang nagdala ng mga gamit ko mula sa bahay ko. Narinig ko na may nagsarado ng pintuan kaya bigla akong napalabas sa walk-in closet. Paglabas ko ay nakita ko si Alexander na nakatayo malapit sa sofa at seryoso ang mukha na nakatingin sa akin. "Ano ang kailangan mo?" seryoso rin ang mukha na tanong ko sa kanya. Don't tell me na aawayin na naman niya ako kaya siya nagtungo rito? Sa halip na sumagot ay initsa niya sa ibabaw ng maliit na mesa ang isang puting folder. Nakakunot ang noo na dinampot ko ang folder at tiningnan kung ano ang laman niyon. "Contract agreement?" mahinang sambit ko matapos kong mabasa ang nakasulat sa puting papel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD