Part 3

1282 Words
"Come here, let's fix our things first." anyaya ni Paul sa akin sa aming hut, hindi parin ako makapaniwala na andito kami sa Mati at panay ang paglilikot ng mata ko sa makukulay na mga banderitas na naka sabit sa may food stalls. Agad naming inayos ang aming mga gamit saka nag lakad lakad sa dalampasigan. "Do you like it here?" tanong ni Paul. Agad naman akong tumango tango bilang tugon. Hindi lang like, I love it here! Gusto ko tuloy bigla magkaroon ng bahay rito. "I thought so." Sagot nya saka ngumiti at inakbayan ako. Shet! Masyado mo naman akong pinapakilig ehe! Wala akong ibang nararamdaman kundi tuwa at kilig sa kanyang sorpresa. Uhmm sorpresa 'to ah dahil hindi ko naman talaga inakalang dadalhin niya ako rito. Maaring maliit na bagay lang ito para sa iba ngunit napakasaya ng puso ko dahil dito. Ito ang kauna unahang panahon na lumabas kami ng Davao ni Paul ng kami lang dalawa ang magkasama. Ohhh shoot!! Hindi ako nakapag paalam kina mommy at daddy tungkol rito dahil ang akala ko ay gagala lang kami sa mall at kakain. Agad kong nilapitan si Paul ng mapagtanto yun. "Ah Paul, kasi ano, hindi alam nina mommy na aalis tayong Davao. Ang sabi ko sa kanila ay gagala lang tayo, di ko kasi alam na pupunta tayo rito eh." Nahihiya ako sa katotohanang iyon pero ayaw ko naman malagot kay daddy kaya kinailangan kong sabihin yun. Tumitig siya sakin kaya kinabahan ako, saka siya ngumiti na mas nagpalala ng kaba ko. Mukha namang may masamang balak ang isang 'to, kahit hindi naman siya ganun. "You don't have to worry, ofcourse I won't take you here without your parents approval." Ngising ngisi siya sa akin habang ako naman ay nanlalaki ang matang napatingin sa kaniya. "They know?!" Agad kong tanong dahil hindi ako makapaniwala, kaya pala ganun ang ngiti sakin ni mommy sakin kahapon ng magpaalam ako ah, may alam pala siya! Hmp! "Yes, in fact, she handed me a bag with your bikini and stuff." Agad akong pinulahan ng mukha sa hiya, hindi niya na dapat nakita pa ang mga iyon. Mommy talaga! At anong bikini kaya iyon huhu nakakahiya kay Paul. Ngumiti siya sakin ng pagka lawak lawak saka nag salita.  "Change your clothes, we're enjoying the day. Uuwi rin tayo mamayang hapon" Bahagya akong nalungkot sa sinabi niyang iyon pero iniabot niya na sa akin ang tote bag na may lamang gamit ko. Agad akong nag bihis ng pulang one piece na andito. Hindi ito ganun ka showy, mukha nga itong pambata eh. Plain red one piece, scoop back ang style ng likuran habang wala namang ibang disenyo ang harap maliban sa ribbed texture ng tela nito. Pinatongan ko rin ito ng white sheer dress na kasama sa bag. Parang wala naman na akong dapat takpan dahil hindi naman showy ang bikini ko kaso medyo malayo pa ang lalakarin ko mula change room hanggang sa hut namin kaya nag desisyon akong isuot na ang dress na iyon, see through naman kaya okay lang. Lumabas ako ng ganun ang itsura. Nag lakad ako pabalik sa hut namin at napansin ang mga matang nakatuon sa akin, may isang grupo pa ng mga lalaki ang sumipol na hindi ko na pinansin. Nang makabalik ako sa hut ay tinitigan ako ni Paul mula ulo hanggang paa saka pinagpatuloy ang pag aayos ng ibang gamit namin. Napanguso naman ako dahil tila wala siyang pakealam. Mommy naman kasi, red nga ang bikini ko pero parang pambata naman. Hinubad ko ang cover up ko at sinulyapan naman ako ni Paul dahil sa ginawa, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa saka ibinalik sa aking mukha ang titig. Tinaasan ko siya ng kilay sa inasta kaya napapalunok niyang iniwas ang kaniyang tingin Bigla naman akong nahiya at na awkwardan dahil nga kami lang, wala ang pamilya namin na madalas naming kasama pag nag oouting. Nag simula na akong mag lagay ng sunblock lotion sa aking katawan dahil tirik na tirik ang araw ngayon, buti nalang at hindi nalimutan ni mommy na padalhan ako kasama ng aking bikini. Habang nagpapahid ako ng lotion ay hindi ko na maabot ang bandang likuran, hindi ko na sana lalagyan kaso naalala kong scoop back nga ito kaya lantad na lanta ang buong likod ko. Tinitingnan niya lang ako habang hirap na hirap ako kaya napanguso ako lalo nung inalis niya ang tingin sa akin at ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa. Parang kanina pa siya diyan sa mga gamit namin ah? Hindi pa ba siya tapos? Kahit nahihiya man ay alam kong kailangan ko ng kaniyang tulong. Bahagya akong ngumuso saka nag salita. " Uhh can you put some sunblock on me, please." Sabi ko habang tinuturo pa ng bahagya ang aking likuran. Kumunot naman ang noo niya at tiningnan ang tinuro ko. "You want me to touch your back?" tanong niya na parang di makapaniwala. "Uhmm, yeah" nahihiyang tugon ko.  "You know I can't do that" Ay meganon? Pinagsasabi nito. "Why not?" kunot noong tanong ko. Umiling iling naman siya na akala moy di makapaniwala, kaya mas lalo akong nag taka.  "I can't touch you love, not yet." sagot nya na nagpa ngiwi sakin. Kala mo naman talaga di ako nahahawakan hmp. Baka kasi kami lang?  Pero natouch ako sa loob loob ko dahil kahit ganun nakikita kong nirerespeto nya ako. Hirap na hirap kong pinagpatuloy ang pag lalagay ng sunblock saka naunang mag lakad sa may buhanginan ng dagat. Kahit hindi ko aminin alam kong na disappoint ako ng bahagya. Pikit mata kong dinadamdam ang init na nag mumula sa araw at dumadampi sa aking katawan. Ang taas ng araw pero hindi ganun kasakit sa balat kaya masarap sa pakiramdam. Naramdaman ko na may tumabi sa akin ngunit di ko iminulat ang aking mga mata, masyado pa akong natutuwa sa aking ginagawa at alam ko naman na kung sino siya. Napaka ganda sa pakiramdam na maramdaman ang sinag ng araw na tumatama sa iyong mukha habang naririnig ang alon na humahampas sa dalampasigan. Nakaka gaan ng pakiramdam. Hinding hindi ako magsasawang gawin to ng paulit ulit. Maya maya pay ibinuka ko na ang aking mga mata at lumingon sa katabi. Natuwa akong makita na katulad ko kanina ay nakapikit din siya at ninanamnam ang init ng araw. Napangiti ako habang tumitingin sa kanya. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng mukha niya habang siya ay nakapikit. Ang makapal na kilay na hindi ko alam ba't gustong gusto kong tingnan. Malalim ang mga mata niya na kapag hindi nakakatulog ng maayos ay mapapansin mo agad ang eyebugs niya. Ang ilong niya ay hindi ganun ka nipis pero matangos, at ang labi niyang makapal na parang ang sarap halikan, may bigote rin siya pero naka shave iyon ngayon. Ang linis ng mukha! Ang gwapo gwapo talaga! Ibinalik ko sa harap ng dagat ang aking tingin, saka pumikit at ninamnam ang preskong hangin. Hindi ko alam kung bakit may kakaibang enerhiya na humihigop sa aking mga mata upang siya ay lingunin at titigan muli. Hinayaan ko ang aking sariling mabusog sa ganda ng tanawin at sa sarap ng pakiramdam lalo na't siya ang aking kasama rito at siya ang aking pinagmamasdan. Napapangiti ako lalo na't nakita ko ang kanyang adams apple na bahagyang gumalaw. Ang sexy niyang tingnan! Hindi ko alam pero bawat galaw niya, mapa maliit man o malaki ay gwapong gwapo ako sa kaniya. Nababaliw na nga ata ako para pangarapin siya. "Wag mo akong titigan ng titigan kung ayaw mong isipin ko na may gusto ka sa akin." Nanlaki ang aking mga mata sa narinig at automatikong napabalik sa dagat ang aking mga mata sa sobrang pagkapahiya. <3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD