Alam na sa buong opisina ang tunay na relasyon nila Rohem at Tattered pati na rin ang pagiging mag-asawa nila. Marami ang nagulat ngunit hindi rin maitatago ng mga ito ang pagkamangha dahil sa mga nalaman at hindi mapigilan na kiligin. Hindi nila akalain na kasal na pala si Tattered at sa isang lalaki pa na si Rohem na bago lang sa kanilang kumpanya. Totoo nga talaga ang kasabihang ang buhay ay punong-puno ng sorpresa dahil talaga nasorpresa silang lahat. Marami rin namang humahanga sa kagwapuhan at kakisigang taglay ni Tattered lalo na ang mga babae. Bukod sa gwapo at matipuno, masipag at talaga namang ginagawa nito ng buong husay ang mga trabahong ibinibigay sa kanya. Marami ring humahanga kay Rohem na babae dito simula nang pumasok siya sa kumpanya. Parehas na gwapings pero ang isa’t-i

