Nakatitig ang nakaupo sa kanyang office chair na si Sandblast sa nakabukas na lunch box na nakapatong sa ibabaw ng office desk niya. Tinitingnan niya ang laman nito na umuusok pa dahil kakapadala lang nito sa kanya dito sa loob ng kanyang opisina. Pamaya-maya ay wala sa sariling kinuha ni Sandblast ang sticky note na nakadikit sa takip ng kulay pulang lunch box. Binasa niya ang nakasulat doon. Hi! It’s me Patrick. Nagpadala ako ng paborito mong sweet and spicy na pancit canton. Luto ko ‘yan dahil naalala kong gustong-gusto mo ang lasa kapag ako ang nagluluto nito. Kainin mo kaagad dahil mas masarap kapag mainit saka ubusin mo. Simutin mo, okay? Muling tiningnan ni Sandblast ang lunch box. Napakagat-labi siya. Hindi niya itatanggi na nanlalambot siya dahil sa pancit canton na luto ni Pat

