Drexel's POV Isang linggo na ang nakalipas ng mangyari yung sa elevator at cafeteria, at sa loob ng isang lingo ay hindi ko siya nakita, maski si Savannah ay hindi ko nakikita, hindi ko alam pero pakiramdam ko sa bawat araw ay hinihintay ko siya, I need to apologize to her, napaisip din ako, paano kaya titino ang babaeng yon? She's such a pain in the ass Break time ngayon at humiwalay muna ako kila Ice at Rocco, nandito ako sa tapat nung room nila Gweneivere Knock! Knock! – katok ko pero walang nagbubukas ng pinto, wala rin akong ingay na naririnig, kaya naman binuksan ko na ang pinto Walang katao tao sa room, kahit bag wala, katulad lang din samin ang laki ng room, pero dahil konti lang sila, nagmukang malaki yung room, napakalinis rin, napatingin ako sa board ang daming lect

