RACHEL “Daddy!” masigla na tawag ni Reighn sa daddy niya pagkababa namin sa kotse. “I miss you, sweetie.” malambing na sabi ni ninong sa anak niya at mabilis niya itong binuhat. “Daddy, kasama po namin si Ate Rachel.” sabi ni Reighn. Kumalas si Reighn sa daddy niya at pumasok na sa loob ng bahay. Kami naman nina ninong ang naiwan dito. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi. “I miss you, baby.” bulong niya sa akin na ako lang ang nakarinig. “Hi, Hon–I mean Adam.” bati ni Katherine kay Ninong. “Thank you sa pagsabay kay Rachel.” seryoso na sabi ni ninong sa ex-wife niya. “You’re always welcome, Adam. Mabait si Rachel at gustong-gusto siya ni Reighn.” “That’s good. Pasok na tayo kanina pa kayo hinihintay ni mommy.” sabi ni ninong at bigla na lang niyang hinawakan ang

