RACHEL “Mahal, ‘wag kana kaya munang pumasok ngayon.” sabi sa akin ni Adam. “Mahal, hindi po puwede. Don’t worry po dahil okay lang naman ako. Kaya ko po ang sarili ko. Kailangan kong pumasok sa school. Marami akong dapat tapusin ngayon,” malumanay na sabi ko sa kanya. “Okay, pero babantayan ka ni Vin.” “Okay, para hindi kana mag-alala ay babantayan ako ni Vin.” nakangiti na sabi ko sa kanya. “That’s good, mahal. Mas mahalaga sa akin ang safety niyo ni baby. See you later sa office,” nakangiti na sabi niya sa akin. “See you later.” hinalikan ko siya bago ako sumakay sa kotse para pumasok na sa University. Habang nasa daan ay tahimik lang si Vin. “Okay lang ba sa ‘yo na bantayan ako sa loob ng campus?” tanong ko sa kanya. “Okay na okay, Miss Sexy.” “Behave ka doon. Baka mamaya m

