RACHEL “Mahal, manganganak na yata ako.” sabi ko kay Adam. Hindi siya nagsasalita at nakatingin lang sa akin. Nakatulala lang siya na para bang nagulat sa sinabi ko. “Mahal,narinig mo ba ako?” tanong ko sa kanya. “A—Anong sabi mo, mahal?” nauutal na tanong niya. “Ang sabi ko manganganak na yata ako dahil ang sakit na ng tiyan ko.” sagot ko sa kanya. “Fvck! Sorry, mahal. Ano ang gagawin ko?” natataranta na tanong niya sa akin. “Mahal, relax lang po. Ang dapat mong gawin ay tawagan mo si dok at sabihin mo sa kanya na manganganak na ako.” nakangiti na sabi ko sa kanya. Gusto ko kasing ipakita sa kanya na hindi niya kailangan mag-panic. We need to calm down para makapag-isip kami ng dapat naming gawin. Mabilis siyang pumasok sa loob pero kaagad rin na lumabas dahil naalala niya na nas

