ADAM SEBASTIAN Nang marinig ko ang nais niyang kainin ay talagang naghinala na ako na buntis siya. Hindi siya maghahanap ng kambal na kwek-kwek kung hindi siya buntis. Kinakabahan ako pero excited at the same time. Alam ng Panginoon kung paano ko hinihiling na mabuntis na siya. Sa totoo lang ay na takot talaga ako na baka maniwala siya kay Katherine at iwan niya ako. Pero nagpapasalamat ako dahil sa akin siya naniwala. Mahal na mahal ko si Rachel kahit pa minsan ay nakakatakot siya. Marami siyang kayang gawin na para bang hindi niya kailangan ng lalaki sa buhay niya. At ‘yon ang ikikatakot ko ang umalis siya bigla dahil hindi na niya ako kailangan, na hindi na niya ako mahal. Dahil alam ko na kaya niyang mabuhay na siya lang. Pero ang lahat ng pangamba ko ay napalitan ng saya dahil po

