RACHEL Lumipat na ako sa condo ko. May mga gamit na ito kaya naman ang mga kailangan ko na lang sa pantry ang bibilhin ko. Lumabas ako para pumunta sa supermarket para maggrocery. Binili ko na ang lahat ng kailangan ko. Paglabas ko sa elevator ay kumunot ang noo ko. Nasa labas kasi ng unit ko si ninong. Nakatayo at para bang hinihintay niya ako. May hawak rin siyang bumalaklak kaya naman napalunok ako ng wala sa oras. “Para ba sa akin ang bulaklak?” Tanong ko sa sarili ko. “Why are you here and what are you doing here?” Tanong ko sa kanya. “Gusto ko lang i-check kung okay ka lang dito.” Sagot niya sa akin. “Okay naman ako. Nakikita mo naman diba.” Mataray na sabi ko sa kanya. “For you,” binigay niya sa akin ang bulaklak. Ayaw ko sanang kunin pero siya na mismo ang naglagay sa kamay

