THIRD PERSON POV Rachel: Manlalaki ako dito para may pampamasahe pauwi. “What the fvck?!” napamura ng wala sa oras si Adam nang makita niya ang text message na pinadala sa kanya ni Rachel sa kanya. “Adam ang bibig mo,” saway sa kanya ng kanyang mommy. “Sorry, mom.” “May problema po ba, daddy?” tanong ni Reighn. “Wala naman, sweetie. Punta kana sa mommy mo. Ba-byahe na tayo pauwi,” saad niya sa anak niya. “Okay po, daddy.” nakangiti na sabi nito. Naiwan silang dalawa ng mommy niya. At hindi pa rin humuhupa ang inis niya sa text message ni Rachel. “May problema ba?” tanong ni Carmela sa kanyang panganay. “Si Rachel nagtext.” “Galit ka pa rin ba sa kanya?” “Sino naman ang hindi magagalit, mom? Hindi man lang nagpaalam sa akin.” sagot niya kay Carmela. “Hahaha, galit ka ba dahil h

