RACHEL “Can you be my girlfriend?” tanong niya sa akin na ikinagulat ko. “W–What?” nauutal na tanong ko kay ninong. “Can you be my girlfriend?” tanong niya sa akin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Bumilis ang t*bok ng puso ko. At hindi ko alam ang sasabihin ko. Tingin ko ay naba-blanko ako ngayon. Hindi ko alam kung ano ba ang kailangan kong gawin. Ito ang gusto kong marinig pero bakit natatakot na ako. Bakit kinakabahan ako? Totoo kaya ito? “Pinaglalaruan mo ba ako?” tanong ko sa kanya. “No, I'm serious. Sa tingin mo ba nagbibiro lang ako?” he asked me. “Pero sabi mo hindi mo ako gusto?” naiiyak na tanong ko sa kanya. Dahil naalala ko na naman ang sinabi niya sa akin kanina. Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang pisngi ko. Pinunasan rin niya ang luha ko. At tuming

