RACHEL Overnight lang kami sa kubo at umuwi rin kami kinabukasan. Lalo na magsisimba kaming tatlo. Sinasanay namin na every sunday ay family day namin at kasama na doon ang pagsisimba. Nilalabanan ko ang hiya ko dahil nasa public place kami. Ni minsan ay hindi binitiwan ng asawa ko ang kamay ko simula ng magsimula ang misa hanggang sa matapos ay hawak niya pa rin ito. “Ang gandang bata nitong asawa mo, Gov.” sabi ng isang matanda sa amin. “Salamat po,” sagot ni Adam. “Ang swerte mo, iha. Dahil mabuting tao ang naging asawa mo.” sabi pa sa akin ng isa sa kanila. “Mas swerte po ako, nay. Dahil mabait at maganda po itong asawa ko.” Pagmamalaki pa sa akin ni Adam sa kanila. “Bagay na bagay talaga kayo. Sana naman ay mapanood namin ang araw ng kasal niyo sa simbahan. Nagulat talaga kami s

