RACHEL Bumaba na lang ako dahil ayaw ko naman maghintay dito sa labas ng pintuan ko. Walang tao dito sa living room kaya naman umupo muna ako sa may couch. Sa totoo lang ay naiinip ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nakalimutan ko rin kasing dalhin ang art materials ko kaya ito ako tamang dutdot lang sa phone ko. Nakakabagot na kaya naman humiga ako dahil bigla na lang akong nakaramdam ng antok. Hinayaan ko ang sarili ko na matulog. Nagising ako at unti-unti kong iminulat ang mga mata ko pero kaagad rin akong pumikit sabay nagkunwaring tulog. Buhat niya pala ako paakyat sa silid niya. Pasimple kong inamoy ang dibdib ni ninong. Gusto kong ngumiti dahil hindi yata bumabaho ang lalaking ito. Pati yata pawis niya ang mabango rin. Laking mayaman talaga siya. Masasabi ko rin na malinis talaga

