RACHEL “Ano ang result ng eleksyon?” tanong ko sa tauhan ni Adam. “Ang result po ay…” “Ay ano?” tanong ko sa tauhan ni Adam kasi ang tagal niyang magsalita. “Mrs. Gov kasi….” “Ang tagal mo naman!” medyo naiinis na ako. “Mrs. Gov, panalo po si Gov.” sagot niya sa akin kaya mabilis akong tumingin sa asawa ko na nakatulala na ngayon. “P–Panalo ako?” tanong niya sabay turo sa sarili niya. “Opo, mahal ko. Congratulations!” malambing na sagot ko at hinalikan ko siya sa labi. “Panalo ako? Panalo ba talaga ako?” paulit-ulit na tanong niya. “Mahal, hindi ka naman bingi hahaha! Pero for the 10th time ay sasabihin ko sa ‘yo na OO PANALO KA!” masaya na sagot ko sa kanya. “Thank you, Lord!” sigaw niya at niyakap niya ako. Naiyak ako habang nakatingin ako sa asawa ko. Alam ko na hindi niya i

