RACHEL “Bakit ka tulala d’yan? Alam ko naman na walang kambal na kwek-kwek. Binibiro lang kita,” sabi ko sa kanya. Nakatulala na lang siyang nakatingin sa akin na para bang may iniisip siya. “Alis na ako, may gusto ka bang ipasabay?” tanong ko sa kanya. Tumayo siya at naglakad papalapit sa akin. Nagulat pa nga ako dahil bigla na lang akong hinila palabas. “Let’s go,” sabi niya sa akin. “Saan? Saan tayo pupunta?” mahina na tanong ko sa kanya habang sinusubukan na alisin ang kamay ko na hawak niya dahil ayaw kong may makakita sa aming dalawa. “Basta, malalaman mo rin.” sagot niya sa akin sabay hila sa akin papasok sa loob ng elevator. “Hoy, tumigil ka nga! Hindi pa nga ako nagtatrabaho ay uuwi na tayo.” “Mahal, sumama ka na lang. Hindi pa naman tayo uuwi may pupuntahan lang tayon

