RACHEL “Baby, sorry.” Bulong niya sa akin. “Baby, kausapin mo naman ako.” “Baby,” tawag niya sa akin. Hindi ko siya pinapansin. Masama ang loob ko. Pagkatapos ko siyang paligayahin ay hindi niya nahanap ang susi. Sobrang hiyang-hiya ako sa nangyari sa amin sa Siargao. Wala pa sana akong balak na bumalik dito sa Manila pero ito kami ngayon nasa loob na ng eroplano pauwi. Buong biyahe namin ay hindi ko siya kinakausap. Galit ako sa kanya. Ginamit niya ‘yung posas na hindi naman pala sa kanya. Nalaman lang namin na wala naman pa lang ganoon doon at naiwan doon ng last na nagcheck-in. Nakakahiya pa dahil may nakaalam sa nangyari sa akin. Hindi ko lang alam kung mananahimik ba ‘yon o baka ngayon pinag-uusapan na nila kami. Nang dahil sa kanya ay may nadagdag na naman sa mga most embarrassi

