RACHEL “Good morning,” nakangiti na mukha ni ninong ang unang bumungad sa akin. Inaantok pa sana ako pero nang tumingin ako sa orasan ay kailangan ko ng bumangon. “Nandito ka pa?” tanong ko sa kanya. “Of course, baby. Ayaw mo ba na nandito ako?” Nakangiti na tanong niya sa akin. “No, it's not like that. Hindi lang ako makapaniwala na nandito ka pa. Hindi ka pa ba papasok sa Capitol?” “Papasok ako kapag nasigurado ko na okay kana.” “I'm fine, umalis kana. Baka ma-late ka.” Sabi ko sa kanya kahit na ang totoo ay masakit talaga ang katawan ko at hindi ako okay. “Kain muna tayo ng breakfast.” Sabi niya sa akin. “Safe ka ba dito? Safe ba itong ginagawa mo?” “Safe?” “Paano kung may makakita sa ‘yo dito? Paano kung isumbong ka nila sa ex-wife mo? Paano kung—” Hinalikan niya ako sa la

