RACHEL “A-Anong sabi mo?” Nauutal na tanong ko sa kanya. “Sabi ko uwi na tayo.” Sagot niya sa akin na may halong paglalambing. “Okay,” sabi ko na para bang hindi ko narinig ang sinabi niya. Sa tingin ko ay may mali lang sa pandinig ko. Hindi naman talaga siguro niya sinabi ang mga salitang ‘yon. Mali lang talaga ang narinig ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil para akong umaasa. Umaasa sa hindi ko naman dapat asahan. “Tumigil ka Rachel, sinabihan ka lang na gusto ka niya. Don't expect too much dahil baka masaktan ka lang.” Saad ko sa sarili ko. “What do you want for dinner?” Malambing na tanong niya sa akin habang naglalakad kami pauwi sa bahay niya. “Kahit ano po,” sagot ko sa kanya. “Paano kung ikaw ang gusto ko para sa hapunan?” Natatawa na tanong niya sa akin. Na alam ko naman n

